• Dear LTO

    Dear LTO,

    Ano na ang mangyayari sa mga taong may modification sa motor? Puro taas kayo ng PENALTY eh hindi naman masolusyunan ang ibang issue sa kalsada. Motorcylces lang ba ang kaya ninyo? May mga bus at jeep na colorum na hindi ninyo ma-asikaso tapos kaming mga nakamotor ang pagdidiskitahan ninyo. Ano kami mayaman? Oo nga naka aftermarket exhaust pipes kami tapos sasabihin ninyo na open muffler? Natural na open ang muffler ng motor or ng kahit anong sasakyan. Kahit ang mga stock exhausts ng mga motor ay may muffler na open. Isa pa, ung DB meter na pinapatupad, at ang limit ng DB, hindi makatarungan. Magusap lang ang dalawang tao 3 feet away malakas pa sa 60DB. Sa tiningin ninyo tama ba ito?

    Sa modification naman, sino ba ang napeperwisyo sa pag lalagay namin ng decals, bagong seat cover, lever at pagpapalit ng gulong? Isa yan sa mga gusto ninyo ipatupad pero hindi din dapat. Mag palit ng spark plug bawal na din ba? Eh pano pag nasira ang motor at may kailangan palitan? Penalty agad? Bayad nanaman sa inyo? Pag nag parehistro nga kami "NO STICKER AVAILABLE" agad.

    Plate cover naman tayo. Clear plate cover para laging malinis ang plaka at maiwasan ang pag tuklap (kung!!!) ng sticker. May penalty nga din sa inyo ang maduming plaka diba.

    Matatanggap pa namin kung may additional payment ang carrier sa motor pero may mga batas kayo na pinatutupad kung kelan nagawa na ng mga motorista. Ano ito inaabanggan ninyo kami? Ano ang susunod? Nagumpisa kayo sa ICC sticker, tapos Open-pipe, then gusto nyo kami mag lagay ng plaka sa vest/harap ng motor/helmet? Tapos gusto nyo iisa lang ang kulay ng helmet? Asan ang freedom? ASAN!!!

    May mga videos kami na nakikita na hindi marunong ang mga nanghuhuli sa batas ng gusto ninyo ipatupad. Sa mga batas na hindi makatarungan.

    Oo maganda ang mga checkpoints na ginagawa para maiwasan ang mga illegal na gawain. Pero bakit sa motorcycles lang? Hindi ninyo ba naisip na pwede din gumawa ng illegal ang mga ibang sasakyan.

    Paki tandaan HINDI KAMI KRIMINAL!!! Wala kami napeperwisyo. May mga motorista din na matino at kasama ako dito.

    Paki ayos naman ang mga batas na ipinatutupad ninyo. Hindi siya makatarungan. May mga nagnenegosyo din na napeperwisyo dahil sa kagagawan ninyo. May mga tao sa gobyerno na corrupt. Wag ninyo ibaling samin ang kawalan ng kaban ng bayan.

    Lubos na gumagalang,

    Isang Motorcycle Rider pls shares

    8 comments
    • Tyo tyo lng mkkbasa nyan sir .hndi lto. Try ntn pasukin off.site ng lto pra mkpg post tyo

    • bsta po kau na gumawa ng parraan

    • Hindi ko naman linalahat..

      Pero sana pag tuonan nila ung mga motor or tryke na Colorum

      kasi madalas

      sila ung mga abusado

    • tama! dapat asikasuhin ng lang ng lecheng LTO na yan ung mga plakang ndi nila ma released at ung mga lisensyang walang id. lagi nlang m0tor pinagdidiskatahan ng mga gag0ng yan!

    • Up

    • sana maayos ng susunod na presidente yung nga ganutong bagay. tsk. nakakabadtrip na din talaga eh. potek

    • Dapat serbisyo ndi negosyo..

    • Binay bong bong tayu mga paps