• gud pm po mga kaXR tanong ko lang po kung ano po ba talaga size ng interior...

    gud pm po mga kaXR., tanong ko lang po kung ano po ba talaga size ng interior tube ng front wheel ng xr125 natin., ung 2.75 x 19 po kasi palaging nasisira ung pito eh., kakapalit ko pa lang, wala pa 1 month sira na naman ung pito na naman problema., ayun flat na naman., napapansin ko na lang kinabukasan flat na gulong ko kahit pag garahe ko ok naman siya., di naman ako garapal magpatakbo., hindi rin rough road ang daan, sementado lahat. ano kaya magandang gawin dito? salamat po sa mga sasagot.

    12 comments
    • Baka naman sir may naka baon pa sa gulong mo na pako para ma flat gulong

    • Maluwag ata pin ng gulong mo sir

    • naisip ko na rin po yan dati at pinacheck ko na rin po., wala naman nakita., everytime na maflat pinapacheck ko kung may mga nkabaon., wala pa rin..

    • ok ba ang 2.75?? o dapat 2.50 lang???

    • nangyari sa akin yan. yun pala my maliit na kawad ung galing sa mga gulong ng truck steel ply hindi nakakapa sa vulcanizing sa sobrang liit

    • kung sa pito papalitan mo hinihingi ko lng sa vulcanizing

    • pano mo nakita at pano mo naalis sir??

    • Sir try mo mag palit ng valve ng pito? Baka po nasingaw yng o ring nya

    • iyong stock tire sa front ng xr150 is 90/90 R19. The nearest tube tire that you should install should be 3.25" or 3.5"

    • 3.5 or 3.25 pwede na,alagaan mo lang ang air pressure,pag bumaba,umiikot ang interior,naging problema ko rin yan

    • ang problema sir eh wala akong nahahanap na 3.25 x 19 dito sa lugar namin., sinabihan pa nga ako ng may ari ng shop na first time nya daw mkarining ng 3.25 or 3.5 x 19., meron daw sila 17 pero 19 wala.,

    • salamat sa mga reply mga sirs.