• O ayan malinaw na LTO lang ang pwede sumita at manghuli

    O ayan malinaw na LTO lang ang pwede sumita at manghuli.

    OPISYAL NA PAHAYAG

    Sa naganap na pagpupulong kanina with ASEC CABRERA ay masasabi natin kahit paano ay panalo tayo sa kadahilanang narinig niya ang hinaing ng mga kapwa natin mananakay lalo na sa dalawang issue sa LED LIGHT at UTILITY BOX...

    Nasabi niya na ang memo ay reiteration lamang daw sa JAO 2014-01 na nakasaad at yun naayon lamang sa manufacturer standard ngunit inilahad din natin na kung babatayin ang JAO nakasaad din sa probisyon na Hindi masama ang magpalagay ng accessories hanggat ito at nasa SAFETY STANDARDS na nakaayon din sa RA 4136 at ACL 2009-018 kaya ang kinalabasan talaga nito ay napakaraming sinasabi nating GRAY AREA sa JAO lalo na din sa punto ng mga motorista.

    Napag usapan din ang walang habas na panghuhuli mula sa ibat ibang sangay ng mga Law Enforcement Agency gamit ang memo ng LTO at JAO although ang sinabi ni Asec Cabrera na hindi na niya pwedr maretract ang kanyang memrandum pero pwede niya ito gawan ng panibago na ANG LTO LAMANG ANG PWEDE HUMULI WALA NG IBA na kahit paano masakit man lunukin eh pumayag na din tayo ngunit sa mga kondisyones... Na sana ay magkaroon ng konting probisyon to come up with the best WIN WIN SOLUTION ika nga.

    Sa naipahayag na iyun ay nagbigay paanyaya ang LTO sa MARTES FEBRERO 9, 2016 sa ganap na ala 1:00 ng hapon magpatawag ng mga RIDER LEADERS at ganapin ang isang CONSULTATION MEETING para once and for all magkaroon na ng probisyon na ipapasa na mismo kay Asec Cabrera na irekomenda niya as provision sa IRR ng J.A.O.

    Alam kong madami magsasabi na ang pahayag na ito ay kulang pa na dapat ganito at dapat ganire kaya sa martes na ang inyung pagkakataon magpahayag at isulat para masabi.

    Naway naipaliwanag ko ang mga pangyayari na may hustisya tandaan natin ang isang pag uusap lalo na kung may pagtatalo ay di nadadaan sa isang upuan lamang... Sa mga mahuhuli kung sa tingin niyo nasa probisyon kayo FILE FOR ADJUDICATION...

    MARAMING SALAMAT PO.

    ROD CRUZ

    National Chairman

    ARANGKADA Riders Alliance

    11 comments
    • Pakilinaw nmn ho

    • La? Papansin? Wag gnun

    • Pnu ung mga emforcer n kunectado s lto pd cla manghuli

    • Lto lang po ang may karapatan na manita ng mga led ayon sa pahayag ni sir rod cruz

    • papaano ba ung safety standards na yan pagdating sa paglalagay ng led light.. tipong nsa tamang lugar ba at ndi direktang tatamaan ang mata ng mga kasalubong sa kalsada at white only? parang gnun?

    • Yan rin sa pagkakaalam ko sir ang liwanag ay hindi dapat nakadirektang tumatama sa mata ng kasalubong mong motorista. Iwas parin tayo sa LTO dahil ipinagbabawal parin ito lalo na mainit parin ang usaping ito.

    • Wala rin kwenta huhulihin padn gaha

    • Yes sir Rafael pero LTO nalang ang may karapatan manghuli. Malaking bagay narin yun.

    • Sana pag bigyan na tayong mga motorista sa kaligayahan ntin sa motor

    • May consultation meeting pang magaganap tingnan natin kung ano mangyayari. Sana nga sir.

    • Salamat

      Up

      Up

      < /p>

      Up

      :)