Photos from Mark Busante's post

PTPA: share q lng po...

Isang Magandang Hapon po sa inyong lahat.

Naglabas na po ng Memo ang LTO na nagbibigay kasagutan sa kinakaharap nating issue sa led lights.

Ayon sa Memo na may petsang March 15, 2016

Kailangan po ang motor ay may Headlight/Headlamp na kulay puti o yellowish white, nakatutok sa baba at walang blinker mode.

Ang tailight naman ay dapat pula lamang at walang blinker mode.

Ang signal light ay dapat dilaw o amber o orange ang kulay lamang.

Ang breaklight ay dapat nasa likuran ng motorsiklo at isang ilaw lang dapat. Ito ay umiilaw kapag nagpepreno. Kapag magkasama ang taillamp at breaklight dapat ang breaklight ay tumataas ang intesidad ng ilaw limang beses sa normal na ilaw nito kapag nagpepreno. Ito ay para magkaroon ng malinaw na batayan kung nagpepreno ang isang sasakyan,

Pwedeng maglagay ng karagdagang ilaw at dapat umayon sa mga sumusunod na pamantayan.

Ang Parking light o lamp ay dapat puti, dilaw o amber ang kulay. Ang ilaw sa likod ay pula. Ito ay may sariling linya upang pwedeng buksan kahit hindi nakabukas ang makina. At kapag binuksan ay iillaw lahat ng parklight at di dapat ito buksan kapag ang motorsiklo ay umaandar.

Pwedeng maglagay ng fog lamp sapat ito ay kulay puti o selective yellow light.

Dapat ito ay nakakabit sa ilalim ng headlamp na ang ilaw nito ay mas mababa sa tinatamaan ng ilaw ng headlamp. Dapat may sarili itong switch hiwalay sa headlamp.

Ito ay bubuksan lamang kung makapal ang fog, may bumabagsak na nieve, malakas ang ulan at kaparehas na kondisyon.

Dapat ang motor ay may dalawang puting ilaw para sa plaka na nakalagay sa likod upang mailawan ito. Dapat ang wiring nito ay hindi dapat namamatay kapag umuupo ang nakasakay sa motor o ito ay bumubukas kapag ang headlamp at parking lamp ay bukas.

Pwedeng maglagay ng karagdagang headlamp na dapat may sariling linya ng kuryente at may sariling switch. Ito ay nakababa na hindi dapat nakatapat sa kaliwa ng sasakyan.

Ang kulay nito ay puti o selective yellow. Ang posisyon nito dapat ay di gumagalaw sa pagandar ng sasakyan dulot ng vibration o shocks,

Hindi dapat binubuksan sa mga may sapat na ilaw na kalsada o sa mga syudad, munisipalidad o mataong lugar o kung may kasalubong na sasakyan sa pampublikong lansangan.

Hanggang 2 ilaw o karagdagang ilaw ang pwede. Maximum na bumbilya kada ilaw ay anim at hindi dapat magkasama ang nasabing karagdagang dalawang ilaw.

Ang pagbato ng ilaw nito ay dapat 20cm pababa at 10 metro palayo. At hindi dapat ikabit ng mas mataas sa handle bar ng motor o scooter.

Hindi pwede na ang auxiliary lamp ay pamalit sa headlamp.

Ang pagamit ng led na ilaw ay pinapayagan basta umayon sa nasaad na pamantayan.

Ang pwede lang mga manghuli ay mga taga LTO at mga deputisadong ahente ng LTO.

Sana po ang pagsasa tagalog ng nasabing memo ay nagbigay ng kalinawagan na pwede nang gumamit ng led light at dapat ayon sa mga pamantayan na nakasaad sa taas.

Muli nagpapasalamat kami sa walang sawang pagtulong at pagsuporta ng mga clubs at riding groups sa laban natin na ito, maging responsable lamang po tayo sa pagamit at pagkakabit ng led lights.

Maraming salamat po at mabuhay po kayo.

Tuloy pa rin po ang ating ride sa linggo bilang pasasalamat at kahit papaano ay dininig ay kahilingan natin sa pagamit ng led lights na ayon sa batas at hindi base sa personal na opinion.

Credit po sa MRO member kay:

sir Isarael Calderon

1 комментар.
  • Up