• PTPA

    PTPA...

    Posted by #98 in behalf of the signatory below:

    Sa LAHAT ng mga kapatid nating Riders (Luzon, Visaya, at Mindanao).

    UPDATE sa naganap sa pagpupulong kahapon (February 12, 2016) 10:00am, sa LTO kaugnay sa ipinagbabawal na LED Lights ng motorsiklo, at iba pang mga usapin.

    1. Ang naganap na pagpupulong ay pinangunahan ni Attorney JOED NATIVIDAD, Director ng Law Enforcement Service Division (LESD) ng LTO, at dinaluhan ng ilang mga leaders/riders, at ng inyong lingkod.

    2. Nabanggit muli ang naunang mungkahi na pahintulutan ng pamunuan ng LTO na makagamit o makapagdagdag ng 1 LED Bar para sa motorsiklo.

    3. Nagpresenta naman ang isang leader/rider, at ipinakita ang ilang mga probisyon ng Batas (RA 4136) na HINDI tinutukoy na 1 lamang na karagdagang ilaw ang pinapayagan nito, maaring 2 o higit pa;

    Nagmungkahi siya na pahintulutang makpagdagdag ng 2 LED bars para sa motorsiko.

    4. HINDI pa nagbigay ng reaksyon ang panig ng LTO kaugnay sa 2 magkaibang mungkahi.

    Ganon pa man, mapalad tayo dahil ABOGADO ang Director ng LESD, LTO, at nakikita nya ang kasalukuyang mga problema na HINDI dapat maranasan ng marami alinsunod sa mandato ng Batas.

    ALALAHANIN po natin na ang ilang mga namumuno sa LTO ay mga bagong talaga, at ang mga purwisyo na ating nararanasan ay KARUGTONG lamang ng nakaraan. HINDI natin sila dapat sisihin sa kasalukuyang mga nangyayari kundi, dapat natin silang pasalamatan dahil bukas ang kanilang pamunuan para sa ating lahat.

    5. Ang lingkod po ninyo ay sumang-ayon sa ika 2 mungkahi na pahintulutang magdagdag ng 2 LED bars ng motorsiklo batay sa 3 mga pangunahing dahilan:

    a. WALANG tinukoy ang Batas na 1 lamang ang pwedeng idagdag na ilaw sa motorsiklo, maaring 2 o higit pa;

    b. MAAYOS na makikita ng mga Riders ang mga daanan partikular kung gabi, at ang mga lubak sa kalsada kung 2 ang LED Bars nito; at

    c. MAKIKITA agad ng ibang mga motorista ang motorsiklo. NAPAKAHALAGA nito para sa kaligtasan ng mga kapatid nating Riders.

    Hindi natin pwedeng ipag-walang bahala ang libu-libong Pilipino na nadidisgrasya sa motorsiklo bawat taon. (Ito ay batay sa datos).

    6. Nagmungkahi ang inyong lingkod na kasamang bigyan ng atensyon ang problemang dinadanas ng iba nating mga kapatid na Riders.

    * May ilang mga insidente na nahuli at natiketan ng LTO Enforcers ang ibang mga Riders dahil ang "NABILI nilang motorsiklo ay mayroong ipinagbabawal na LED Lights."

    * Binanggit po natin na HINDI dapat ipabalikat sa Rider/s ang "pagkukulang" ng pagtugon sa ilang mga mandato:

    a. Mandato ng DTI na bantayan ang mga produktong lumalabas sa ating merkado para maproteksyonan ang mga tumatangkilik nito; at

    b. Sa mandato naman ng LTO, kabilang dito ang pagsusuri o inspeksyon at pagre-rehistro ng mga sasakyan.

    HINDI dapat nare-rehistro sa tanggapan ng LTO ang mga bagong motorsiklo na "mayroong ipinagbabawal na LED Lights" upang hindi mapurwisyo ang mga nahuhuling gumagamit nito.

    Ang mungkahing ito ay batay sa mga kompirmadong impormasyon mula sa mga biktima ng umiiral na sistema.

    7. Kaugnay sa nabanggit na mungkahi ng inyong lingkod, ang DTI ay iniimbitahan ng pamunuan ng LTO para makadalo sa HULING PAGPUPULONG na gaganapin sa February 16, 2016 (Martes), 1:00pm.

    8. Sa kasalukuyan, ang mga sumusunod ang pangunahin, at makakabuting aksyon ng ating mga kapatid na Riders upang "makapagtanggol tayo" kaugnay sa tinutukoy na LED Lights ng motorsiklo:

    a. Tiyakin na ang mga LED lights na idinagdag natin ay tumutugma sa iniuutos ng Batas partikular sa kulay ng mga ito.

    Puti para sa headlights;

    Dilaw para sa signal lights; at

    Pula para sa park lights o stop lights.

    b. Mas mababa ang pwesto at ang projection ng sinag ng idinagdag na LED lights kaysa orihinal na headlight nito;

    c. Iwasan ang paggamit ng LED headlights sa maliwanag, at mataong lugar; at

    d. Tiyakin na may hiwalay na switch ang mga ito, hindi kasama sa orihinal na switch ng ilaw nang nabili ninyo ang motorsiklo

    9. Ang pamunuan ng LTO ay may kautusang TAPUSIN AGAD ang mga usaping nagpapahirap sa ating mga kapatid na Riders, at inaasahang lalabas ang RESULTA nito bago matapos ang buwan ng February, 2016.

    10. UMAASA tayong lahat na ang sakripisyo ng mga leaders at ng mga kapatid nating Riders ay magbubunga ng maganda, HINDI sa prosesong madalian kundi sa maingat at pantay-pantay na pananaw alinsunod sa mandato ng Batas, at sa kabutihan ng nakararami.

    "Santiago 4:17, Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito ay KASALANAN sa kanya (sa ating Diyos)."

    Isa po sa inyong mga lingkod, at inyong kasama:

    BONIFACIO LAQUI BOSITA

    Police Superintendent

    Road Safety Advocate

    4 комментар.
    • credit po ky paps mikey jimenez through MRO...

    • ayos

    • Jeh Aww Pangilinan

    • good job sir....