Share ko lang. At may katanungan na rin

netboard

Share ko lang.. At may katanungan na rin.

Dahil pa biyahe ako pa quezon province, nagiisip ako kung mag change oil na ba ako or dun na lang pagdating ng quezon. Dahil di pa naman umabot sa 1k kms. (Every 1k kms kasi ako nag tsi changeoil) pero parang bulong ng guardian angel ko na mag change oil na. Kaya bumili na ako bago lumarga. At same pa din ang binili ko na oil, ENEOS OIL, dahil maganda naman talaga ang performance ng makina ko sa langis na to. Pang 4 times ko nachangeoil ng Eneos.

Sa madaling salita, baklas na ako agad.. At nagulat ako na parang kukonti lang ang tumulo na langis at nasa 300ml na lang ang lumabas, kaya inalog alog ko pa motor ko para tumulo lahat, kaso wala na talaga. Samantalang wala pa naman sya 1k na tinakbo mula nung huli kong change oil. Kaya ako nagtataka.. At wala naman tagas ang makina ko. Pero kung mausok ang tambutso ko, oo mausok sya pero konti lang naman lalo na pag nagpapainit lang ng makina. Samantalang nung mga nakaraang changeoil ko ay umaabot naman ng 700 to 800ml ang natitira.

Ang tanong,

Bakit kaya nagka ganun mga sir?

Sa gamit kong langis ba na madali matuyo?

Or dahil mausok na pipe ko pero di naman masyado?

Salamat sa guardian angel ko na bumulong na mag changeoil na ako. Kung nagkataon pala ay natuyuan ako sa biyahe or baka nakarating naman siguro.

Baka may naka experience na din sa inyo mga sir.. Di ko pa naidaan sa mekaniko ko para magtanong, kasi bibiyahe pa ako. TIA

%d comments
  • Ipacheck mo sir sa trusted mechanic. Baka may tama na valve seal, piston ring or baka need rebore.

  • Idol di maganda sa motor natin ang langis mo,ganito ang paliwanag ng tropa ko na mekaniko pag ang langis ay di angkop sa motor natin mabilis uminit ang makina at habang umiinit madaling magbawas ang langis hanggang sa matutuyoan ,na experience ko b4 mag endurance nag change oil ako 3days b4 ginamit ko ung pertua oo maganda smoth at maganda humatak pero,nararamdaman ko ang bilis uminit ng makina ko kaya nag decide na ako 1 day b4 endurance na nag palit ako ng langis kahit nanghinayang ako dahil 2days ko palang nagamit yung langis na yun,kahapon after endurance yung mga kasama ko pertua ang ginamit nila nag change oil sila ang laki daw ng bawas ng langis nila samantalang wala naman daw tagas,sa akin nag change oil din ako kahapon binalik ko sa lagayan nya walang ka bawas bawas at puno parin yung lagayan ang ginamit ko na langis nun bago sumabak sa endurance yung ENOC NA LANGIS SA KAWASAKI

  • Tumpak idol Jvhan Accel sa langis mong madali mag init ang makina kaya madali syang matutuyo

  • Kopya idol, salamat sa mahaba at malinaw na paliwanag..

  • Salamat sir, ipapacheck ko din nga yan..

  • Magkano idol ron ang enoc?

  • Hehehe pasensya na idol yun din kasi paliwanag sa akin ng mekaniko yun nga kakagaling lang namin ng endurance yun ang mga daing ng tropa na gumamit ng pertua ang laki daw ng bawas samantalang wala nman daw tagas

  • 200 lang idol nag kataon din kasi walang stock yung sprint 4t na enduro ng petron sinabi lang ng tropa ko na yun muna gagamitin

  • Experience ko rin yan bro basta palaging long ride ang byahe 800ml lang natira kasi walang radiator makina natin kaya ang bilis uminit nag bawas ng oil. Normal lang yan bro basta palagi akong nag lolong ride change oil agad

  • Salamat idol

  • Ilan na mileage ng motor mo ngayon boss Jvhan

  • Balik ka shell advance boss Jvhan

  • 3000km sagad takbo ng motor ko sa shell advance 4T Oil ang natitira ay 800mL out of 1 liter.

  • pst, sa langis mu yan.

  • Its either piston ring or valve seal. Kaya nangangain na ng langis. Check spark plugs kung may langis.

  • Check mo tambotso .pagmay langis.palitan munaang valve seal or p.ring.pre

  • Pa see pic ng enoc oil boss?

  • Up

  • Sa langis siguro yan pap.Sa akin ito talaga ang gusto ni xr ko..marami na akong na try na oil.so far so good para sa akin .Maliban na lang kung mag pa tune up ako sa Honda..honda oil talaga.

  • Ehehehe!.... ganun ba sir Ron. Kaya pala hindi kita ma habol habol sa endurance dahil naka special oil ka pala

  • 76k na din hehe

  • Bukas check ko SP at tambutso.. touchdown pa lang sa tayabas.

  • ako

  • Top1 idol Jvhan Accel, siguradong hindi ka mapepeke, synth blend or fully synth, parehong ok