• Thank you sa approval Mr Ramon I Castillo CB110 ang motor ko at pinag iisipan...

    Thank you sa approval Mr Ramon I. Castillo. CB110 ang motor ko at pinag-iisipan ko kung Streetfire or XR150 ang next ko considering daily commute from Malolos to Malate at once a month official ride with BulRiders Family. Sana makakuha ako ng enough information to decide one of these days.

    8 comments
    • magkaibang magkaiba ang performance ng cb150r atsaka xr150l. kung pang street ang gamit mo, then go with the cb. pero kung may gamit ka na rough road or once in a while you want to go to areas na masama ang kalsada, go with the xr. :)

    • Thank you sa advice Sir. Pag-isipan ko maige yan.

    • kung speed hanap mo sir go for Cb150r, pero pag touring adventure and traffic sollution xr150 is a choice very nimble gamitin.. (imho)

    • Kung speed, lamang daw talaga ang CB150R. DOHC na 6 speed pa. Pero takot din ako sa sobrang speed. Masaya na ako basta makasabay sa mga 150cc at maka-overtake kung kailangan. Pero kung steady sa 90 to 100 kph sa mga long rides, ok na siguro. Ang nakikita kong advantage ng XR150L ay yung ground clearance. 5'10" naman ako at bahain ang Manila at MacArthur. Not to mention yung potholes. Mukhang OK na OK din ang XR sa Luzon Loop. Kamusta mga Paps ang Fuel Consumption at availability of spare parts ng XR? Mas gusto ko yung stock lang at konting upgrade lang. Ayoko ng masyadong maraming binubutingting.

    • Spare parts now nang 150xr ay madami na availability kalimitan lang naman napapalitan base sa ibang users ay ang Front fork oil seal, fuel consumption mas matipid compare sa ibang 150cc engines 45 up kilometers per liter

    • Mga 60-40 ako in favor of XR pero maganda rin naman ang CB. Tingin tingin at basa basa muna. Anyway, di naman rush kc ok pa naman CB110 ko.

    • mag XR ka na bro para 2 na tayo BulRiders hehe

      On and off road panalo ang XR. lalo na bahain ang mc-arthur highway tuwing may bagyo di ka ipapahiya nyan.

    • Paps Cha, hehehe! Pinag-iisipan ko ng maige yan.